DailyGlimpse

Miguel Tanfelix: 'Hindi ako madulas magsalita, pero honest sa nararamdaman'

Celebrity & Pop Culture
April 30, 2026 · 1:09 PM
Miguel Tanfelix: 'Hindi ako madulas magsalita, pero honest sa nararamdaman'

Sa kanyang guesting sa programang "Your Honor," ibinahagi ng Kapuso actor na si Miguel Tanfelix ang kanyang personal na diskarte sa panliligaw. Hindi raw siya kabilang sa mga lalaking "madulas" magsalita, bagkus ay pinipili niyang maging tapat at deretso sa kanyang nararamdaman.

"Hindi ako madulas magsalita. Pero, honest sa nararamdaman ko. So ako alam ko 'yung definition na magaling manligaw. May mga kakilala tayong ganiyan. Ang ganda ng mga diskarte, may mga game plan," sabi ni Miguel. "Ako, parang wala. So kung ano 'yung very natural na ako, ano 'yung nararamdaman ko, 'yun 'yung sinasabi ko. So, hindi ko masabing magaling, pero straight to the point."

Ibinahagi rin ng aktor na minsan ay inabot siya ng isang taon bago maging opisyal ang relasyon nila ng isang babae. Hindi raw sila nagmamadali at nag-enjoy muna sa "exclusively dating" stage. Ayon kay Miguel, pinili nilang hintaying magkasabay ang kanilang anniversary date.

Tulad ng ibang lalaki, naranasan din daw niyang mabasted. Noong siya ay nasa first year high school, nagkagusto siya sa isang third year student. Sa kanyang pag-amin, napaka-totoy pa raw niya noon at nagbibigay ng mga stuffed toy. Nang maglaon, nakita na lang niya itong may ibang nililigawan. Pero ayon kay Miguel, na ngayon ay may relasyon kay Ysabel Ortega, naging magkaibigan pa rin sila matapos ang insidente.

Abangan si Miguel sa kanyang unang solo hosting stint para sa travel show na "Planet XP," na mapapanood simula Mayo 2, tuwing Sabado, 6:30 p.m. sa GMA.