Wednesday, June 24, 2026 | London 31°C · Clear
DailyGlimpse

Lalaking aksidenteng nabaril ang sarili, arestado dahil sa hindi lisensiyadong baril

Politics
June 24, 2026 · 1:28 PM

News

We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.

I AGREEFIND OUT MORE

ADVERTISEMENT

BALITA#### PROMDI#### UMG!#### CHIKA MUNA#### TALAKAYAN#### PINOY ABROAD#### TRENDING

Lalaking aksidenteng nabaril ang sarili, arestado dahil sa hindi lisensiyadong baril

Hunyo 24, 2026 5:42pm GMT+08:00

SINULAT NI: JAMIL SANTOS,GMA News

Video 4

Video 5

Video 6

Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos aksidenteng mabaril ang sarili at matuklasang hindi lisensiyado ang baril na kaniyang dala sa Barangay San Agustin, Malabon City.

Sa ulat ni Gabriel Gonzales sa Unang Balita nitong Miyerkoles, makikita sa video ang lalaki na nakabenda ang kaliwang kamay at may bakas pa ng dugo sa damit habang nasa isang bar noong Sabado.

Ayon sa ulat, aksidente umanong nabaril ng lalaki ang sarili habang nakikipag-inuman sa mga dati niyang katrabaho.

Batay sa pahayag ng barangay, naroon sila sa lugar matapos makiusap ang isang residente na magbantay dahil may umano’y magnanakaw na umaaligid sa lugar.

Kalaunan, bigla silang nakarinig ng putok ng baril.

“Naalarma kami, akala namin may pumutok na gulong, ganiyan,” sabi ni Joselito Dela Cruz, BPSO ng Barangay San Agustin, Malabon.

Nagtamo ng sugat sa kaliwang kamay at binti ang lalaki, at agad itong nilapatan ng paunang lunas ng Malabon DRRMO.

Sa imbestigasyon, natuklasan ng mga awtoridad na hindi lisensiyado ang baril na dala ng lalaki.

“Nung tinanong nila ‘yung nasugatan kung may kaukulang dokumento o lisensiya siya ng baril, wala siyang maipakita. Doon na siya tuluyang inaresto ng mga pulis,” sabi ni Police Master Sergeant Michael Oben, imbestigador ng Malabon City Police.

RELATED STORIES

Boy Scout na si Chris Lorenz Fabian, isinakripisyo ang sarili para di makapasok ang mga namaril sa Tacloban### Kalangitan sa Russia, naging kulay pula bago ang malakas na ulan at thunderstorm### Mike Defensor, irereklamo ng NBI dahil umano sa human trafficking

Depensa ng lalaki, nagdala siya ng baril bilang proteksiyon laban sa mga umano’y nagnanakaw ng motorsiklo. Aniya, kinalikot niya ang armas nang bigla itong pumutok.

“Nilalagyan ko lang siya ng bala, tapos hindi kasiya. Napukpok ko, tapos pumutok. Paggising ko po, nasa ambulansiya na ako. Lesson learned sa akin ’to. Perhuwisyo talaga,” sabi ng suspek.

Nakakulong na ngayon sa Malabon City Police Station ang lalaki at nahaharap sa reklamong illegal possession of firearms.—MCG GMA News

Tags:

btbalita

PROMOTED STORIES

Sponsored Man Takes Action When Child Jumps on Seats – Find Out How Man Handles Seat-Jumping Situation with Child and Parent – See the Approach House and Garden

Sponsored Young Woman Makes Hand Signals on Airplane – Watch How Flight Attendant Responds Young Woman Keeps Making Hand Signals in Airplane – When Stewardess Realizes Why, She Alerts the Authorities House and Garden

Sponsored Why AI Brings Speech Clarity That Old Hearing Aids Just Can’t Match Understand speech in noise effortlessly AudioNova

Sponsored Selling Out Fast: Get This Record-Breaking $137 Mini AC Before It Sells Out Consumer Check

ADVERTISEMENT

Ultra Lotto 6/58

  • 04
  • 21
  • 41
  • 40
  • 39
  • 52

View More

View More

ATBP

PINAKAMALAKING BALITA ### Baril ng pulis at security agency ang ginamit ng 2 suspek sa Tacloban...school shooting

BALITA ### Rene Baterbonia, inilibing na sa bayan ng Talacogon, Agusan del Sur

PROMDI ### 2 lalaki, patay matapos sumalpok sa poste ang sinasakyang motorsiklo...sa Pangasinan

UMG! ### Lalaking maniningil sa ibinenta niyang motorsiklo, ginulpi dahil nakaw pala...ang sasakyan

CHIKA MUNA ### Rere Madrid, Kai Sotto, magkaka-baby na!

TALAKAYAN ### 73-anyos na mister, mano-manong gumagawa at inilalako ang laruang...parachute; ang kita, ibinibigay sa asawa

PINOY ABROAD ### 24 na Pinoy na nakulong sa Russia, nakauwi na sa bansa

TRENDING ### Alex Eala, panalo ulit sa kalaban sa Berlin Tennis Open; world No. 8 na si...Elina Svitolina, dinispatsa rin

PINAKAMALAKING BALITA ### Sam Verzosa, nagsalita na tungkol sa nangyaring hiwalayan nila ni Rhian...Ramos

BALITA ### Mike Defensor, irereklamo ng NBI dahil umano sa human trafficking

PROMDI ### Broadcaster, nakaligtas sa ambush habang papunta sa trabaho sa Roxas City

UMG! ### Pag-ulan ng butil ng yelo, naranasan sa ilang lugar sa La Castellana sa Negros...Occidental

CHIKA MUNA ### Anne Curtis, tinawag na 'best girl dad' ang mister na si Erwan Heussaff sa...Father's Day

TALAKAYAN ### Single mom na 'di pinalad sa mga partner, suwerte naman sa mga anak

PINOY ABROAD ### Visa fees papuntang Japan ng mga dayuhan, tataas ng limang beses

ShareThis Copy and Paste